MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG PAROL
MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG PAROL Tuwing nalalapit na ang kapaskuhan tradisyon na nating mga Pilipino ang pagsabit ng mga Parol sa ating mga tahanan, sa lansangan, atbp. bilang representasyon nang mainit na pagsalubong sa kabila ng malamig na panahon sa kapaskuhan. Narito ang ilang mga materyales at hakbang sa paggawa ng isang recycled parol . MATERYALES : Christmas garland Glitters Gunting Tatlong pirasong bote na may takip PROSESO: Mula sa itaas na bahagi ng bote hatiin ito sa lima na hindi sasagad sa pinakailalim nito. Tupiin ang mga ito hanggang sa maghugis bituin. Hatiin sa anim ang bawat bahagi (pahalang). Gamit ang rubber band, itali ang bawat dulo ng mga nagupit na bahagi. Ihanda ang dalawang bote. Hatiin sa gitna ang dalawang bote. Butasan ng dalawa ang mga takip at gumupit ng tatlong pulgadang tali (2 pirasong tali) at itali ito sa takip ng bote. Ikabit sa magkabilang bahagi ang dalawang boteng nagupit na mayroong takip...